Pure Pinoy

Para sa nagtatabo kung maligo…

Paano ba Mag Torrent?

February 3rd, 2010 by admin

nagulantang-chiquito-panchito-sa-torrent Torrent shmorrent. Ano ba yang torrent torrent na yan? Magkakapera ba tayo jan? Nakakain ba yan? Tino-torentado mo ata ako e… Ano ba talaga yan? Tulog ata ako nung tinuro sa eskwelahan yan e.

Ang torrent ay isang paraan para maka download sa internet ng mp3, mga palabas at kung ano ano pa na pwede i-download. Ang torrent ay libre at walang bayad kaya naman sikat na sikat sa ating mga pinoy na tyane sa paglalabas ng pera.

Ano ba kinaganda ng torrent kesa sa karaniwang download?

  • kahit maputol ang koneksyon mo ng internet, maitutuloy mo pa rin ang pag download
  • mas mabilis ang download
  • kahit gaano kalaking download pwede (kahit umabot ng 20gig pwede!)
  • hindi sya hassle tylad ng rapidshare at megaupload
  • halos lahat ng kailangan mo ay available sa torrent

So, pano ba mag download sa torrent?

  1. Mag download at i install ang utorrent. http://www.utorrent.com/downloads
  2. Maghanap ng gusto mo idownload sa piratebay (kunwari gusto mo mp3 ni Marian Rivera)
    torrent-tutorial01
  3. Click “Download this torrent” at i save mo sa computer mo.
    torrent-tutorial02
  4. I-right click ang file na na-download at buksan ng utorrent
    torrent-tutorial03
  5. Piliin kung saan i-sa save ang gust mo idownload.
  6. Maghintay matapos ang download, tumambay muna sa kanto habang nagkakamot ng tyan at nangungulangot.

Ayus! Ngayon alam mo na kung paano mag torrent, punta na sa suki mong computer shop at wag muna mag dota, download ka na ng kung ano mang gusto mo idownload!!! (Ingat sa pangungulangot ah, baka nakabukas webcam mo e…)

Print Share

Tags:


 

 

Leave a Comment

Submit / Contribute to PurePinoy.com

For Article, Movie Clip and Photo submission or contribution, please send us an email at:
submit@purepinoy.com